Sunday, January 18, 2009

January 5, 2009 - Unang Bisita sa Dojo

Aksidente lang yung pagkakabasa ko ng advertisement ng Dojo sa internet. Nakakita ako ng mga Yaw-yan Dojo sa Pasay, Fairview at Pateros. Pero yung Cubao yung pinaka-accessible na lugar para mag-aral ng Yaw-yan. At hindi lang yun, Hybrid Yaw-yan ang tinuturo nila: mas modern na Yaw-Yan since lumalaban pala yung mga students ng dojo sa mga Mixed Martial Arts competition, tulad ng URCC. Eto yung nakapag-enganyo sa akin para sumali at tumuloy.

Tumawag ako sa landline number nila at naka-usap si Sir Henry. Ang nakakatuwa sa usapan namin, e sobrang elaborated yung mga sagot niya sa mga tanong ko. 20 minutes yata kami nag-usap. Nag kwento Sir about the history of Hybrid Yaw-yan and how the fighters fare during competitions. Na-mention din nya yung ilang advantages ng martial arts versus sa ibang arts.

So after work that day, gabi na yun mga 8:00pm, I went to the dojo to see the sport. I was very intimidated since yung unang tumambad sa harap ko pag akyat ko sa gym e yung punching/kicking bag na gawa sa troso na binalutan ng abaka sa paligid. Kaya yung unang tanong ko kay Sir Henry after makipagkamay ako, "Sir, ayun po ba yung gagamitin ng mga estudyante ng HYY?" Buti naman sabi ni Sir hindi pa sa simula, pag lumaon na daw at nasanay na yung legs mo sa pagsipa. Ayun, we went to the reception area and went along with the talk; pinakita ni Sir yung ilang mga video clips nung mga laban ng estudyante ng dojo. Nagulat din ako sa narinig ko since I wasn't expecting that this art is very formidable. Kaya pala sinasabi nilang Deadliest Martial Art etong Yaw-yan. Sir Henry went on explaining din what we will practice once I joined...from kicking, punching, grappling - lahat since this is considered as a mixed martial art.

So after an hour and a half talk with Sir Henry, I paid the membership fee to start my lessons. And ayun, dun nagsimula yung aking Hybrid Yaw-Yan stint.


Credo to Memorize By Heart

Kredo ng Yaw Yan

Sa Panahong ito ng baril at patalim,
ako'y naglalakbay walang hawak ang kamay.
Kung sino man ang dumating
at ako'y gambalain
at kasamaan ay ibig paghariin,
Diyos ay Kalasag, aking gagamitin.
Pananampalataya ay siya kong taga akay,
ang Dangal ko'y kayamanan kong tunay,
ang Katotohanan ay siya kong kapalaran
at ang sandata ko'y walang iba kundi…Yaw-Yan.

Ano Nga Ba ang Hybrid Yaw-Yan?

Sa lahat nang mga hindi nakaka-alam kung ano ang Yaw-Yan, try to read this entry, baka sakaling mabigyan ko kayo nang konting ideya...


First of all, i-define muna natin ang Yaw-Yan.

Ang Yaw-Yan, pina-ikling tawag sa "SaYAW ng KamataYAN"(Dance of Death), ay isang Filipino na Martial Art na ipinalawig ni Napoleon Fernandez, na tubong Quezon Province. Siya ay isang All-Asian and Far-East Kickboxing Champion.
Ang Yaw-Yan ay isang uri ng kickboxing, ngunit may ilang galaw ito na naiiba sa ilang martial art sa ibang parte ng mundo. Pababa kadalasan ang galaw ng mga sipa nito(downward motion, hip-torquing). Maaari din makatama ang Yaw-Yan fighters mula sa malalayong distansya.


Na-define na natin ang Yaw-Yan, ano naman ang Hybrid Yaw-Yan?

*1998 marked the beginning of Hybrid Yaw Yan MMA, a martial art form based on traditional Yaw Yan. Building on the foundations and principles of Yaw Yan, Hybrid Yaw Yan integrates
different maneuvers and techniques which include grappling, wrestling, and unorthodox strikes and other submission tactics. Founded by Master Nap's pupil Sir Henry Yap Kobayashi,
the first Hybrid Yaw Yan fighters emerged and went on to win many tournaments and competitions (Allan Co, Christian Wong, Louie Yap). During their debut in the Mixed Martial Arts scene, the three fighters won by Tap Out and Knock Out. Hence, Hybrid Yaw Yan's tagline 'Knock Out or Tap Out, Either Way, We'll Take You Out' was born.

To date, Hybrid Yaw Yan fighters are making their mark in MMA tournaments all over the country (URCC, Fearless Fighting Championship). Big name fighters like Earl 'The Beast' Uy,
Vicente 'The Slayer' Pajaro, and Jerry 'The Destroyer' Legaspi are just a few players you ought to watch out for. With the advent of Hybrid Yaw Yan, the Philippine Mixed Martial Arts scene
has definitely become more exciting and worthwhile.




Thanks to:
*Hybrid Yaw-Yan: Team Kobayashi Site - http://hybridyawyanmma.multiply.com

The Chosen Martial Art

Aikido, Judo, Kendo, Jiu-jitsu, Capoeira, Taekwondo, Karate, Ken-po at Muay Thai.
Ilan sa mga examples ng mga martial art na nabasa ko sa internet, libro at mga flyers sa mga gym. Pero may isang martial art ako na natipuhan sa lahat. Hindi kasi ko kasi madalas itong marinig sa mga kakilala ko, o sa mga kwentuhan. Ito ay ang Hybrid Yaw-Yan.

Sa totoo lang, hindi talaga Hybrid Yaw-yan ang papasukan kong martial art sa simula pa lang. Naisip ko lang yung practicality ng sasalihan kong martial art. At ito ang ilang rason. Una, kung applicable ba ito sa pang araw araw na pamumuhay ko. Naisip ko lang na e kung magkagipitan sa isang holdap o makikilan ako, maaari ko bang gamitin yung martial art na natutunan ko kahit pang self defense man lang? Pangalawa, katulad ng sinabi ko sa taas, practicality. Membership din ang isa kong consideration sa pagpili. Baka naman mamulubi ako sa pagsali. Dapat yung reasonable na presyo lang. Yung kaya ng isang young professional. Pati pa pala yung equipment na gagamitin. Nakapagtanong ako minsan sa isang dojo, na umaabot nang P12,000-20,000 ang isang set ng equipment na kailangang gamitin sa lessons! Masyadong mahal! Kaya nung nalaman ko yun, potcha, hindi na lang! Yung pangatlong rason, medyo personal. Ayaw ko kasi yung isang sport na medyo sikat, yung tipong alam at kilala na ng lahat. Gusto ko yung medyo underground, kung hindi man, emerging palang. Pero nirerespeto ang mga manlalaro nito. At least, pag sumikat yun, may lamang ka na sa iba.

Kaya iyon, ang rason ng aking pagsali sa Hybrid Yaw-yan.