Aikido, Judo, Kendo, Jiu-jitsu, Capoeira, Taekwondo, Karate, Ken-po at Muay Thai.
Ilan sa mga examples ng mga martial art na nabasa ko sa internet, libro at mga flyers sa mga gym. Pero may isang martial art ako na natipuhan sa lahat. Hindi kasi ko kasi madalas itong marinig sa mga kakilala ko, o sa mga kwentuhan. Ito ay ang Hybrid Yaw-Yan.
Sa totoo lang, hindi talaga Hybrid Yaw-yan ang papasukan kong martial art sa simula pa lang. Naisip ko lang yung practicality ng sasalihan kong martial art. At ito ang ilang rason. Una, kung applicable ba ito sa pang araw araw na pamumuhay ko. Naisip ko lang na e kung magkagipitan sa isang holdap o makikilan ako, maaari ko bang gamitin yung martial art na natutunan ko kahit pang self defense man lang? Pangalawa, katulad ng sinabi ko sa taas, practicality. Membership din ang isa kong consideration sa pagpili. Baka naman mamulubi ako sa pagsali. Dapat yung reasonable na presyo lang. Yung kaya ng isang young professional. Pati pa pala yung equipment na gagamitin. Nakapagtanong ako minsan sa isang dojo, na umaabot nang P12,000-20,000 ang isang set ng equipment na kailangang gamitin sa lessons! Masyadong mahal! Kaya nung nalaman ko yun, potcha, hindi na lang! Yung pangatlong rason, medyo personal. Ayaw ko kasi yung isang sport na medyo sikat, yung tipong alam at kilala na ng lahat. Gusto ko yung medyo underground, kung hindi man, emerging palang. Pero nirerespeto ang mga manlalaro nito. At least, pag sumikat yun, may lamang ka na sa iba.
Kaya iyon, ang rason ng aking pagsali sa Hybrid Yaw-yan.
Sunday, January 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment